Security Guard na Tulak ng Droga, Arestado!

Cauayan City, Isabela – Timbog ang isang security guard sa ikinasang buy bust operation nang pinagsanib na pwersa ng PNP Cauayan City, IPPO, PIB DEU at PDEA RO2 matapos makaaktuhang nagbebenta ng hinihinalang shabu kahapon ng gabi, February 22, 2018 sa Barangay Nungnungan II, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Bryan De Atras Labayog, 30 anyos, security guard ng isang hotel sa nasabing lugar at residente ng Purok 2 barangay Sta. Cruz, Alicia, Isabela.

Nakumpiska sa pag-iingat ni Labayog ang isang heat sealed transparent sachet na hinihinalang shabu, isang libong piso na marked money, dalawang lighter, dalawang cellphone, ibat-ibang klase ng narolyong aluminum foil, isang sling bag, at isang Honda TMX motorcycl na walang plaka.


Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act si Bryan De Atras Labayog at hawak na ngayon ng PNP Cauayan City.

Facebook Comments