Security Guard, Nanaksak Dahil sa Selos!

Sasampahan na ng kaso ang isang lalaki matapos nitong saksakin ang isa niyang kainuman sa barangay Sillawit Cauayan City Isabela.

Kinilala ang biktima na si VJ Navaro, 24 anyos, walang asawa at residente ng barangay Canaruan, Cauayan City habang kinilala naman ang suspek na si Albert Dela Cruz, 25 anyos, security guard at residente ng brgy. Aritao, Nueva Vizcaya.

Sa impormasyong ibinahagi ng Cauayan City Police Station, kasalukuyan umanong nag-iinuman ang dalawa ng biglang magkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan dahil nagseselos.


Dagdag pa rito, bago umano iwanan ni Dela Cruz ang kanyang girlfriend at ang kanyang kainumang si Navaro ay kinumpronta muna niya ang mga ito at pagkaraan ng ilang sandali ay agad din itong bumalik na maydaladalang kutrsilyo at sinaksak ang biktima sa kaliwang bahagi ng kanyang katawan.

Sa ngayon ay kasalukuyan ng nagpapagaling ang biktima sa pagamutan habang handa naman ang panig nitong sampahan ng kaukulang kaso si Dela Cruz.

Facebook Comments