SECURITY GUARD, NASAWI MATAPOS MAGULUNGAN NG TRUCK SA BAYAMBANG

Nasawi ang isang security sa naganap na aksidente sa National Road, Barangay Zone II, Bayambang, Pangasinan.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng Bayambang Police Station (PS), sangkot sa aksidente ang isang motorsiklo na minamaneho isang 38 anyos, isang security guard at residente ng Brgy. Cabuaan, Bautista, at isang truck na minamaneho ni 62 anyos, residente ng Brgy. San Isidro, Hagonoy, Bulacan.

Parehong patungo sa hilagang direksyon ang dalawang sasakyan nang tangkain ng biktima na overtake-an ang truck. Sa kasamaang palad, nawalan siya ng kontrol sa kanyang motorsiklo, bumagsak sa kalsada, at nagulungan ng trak.

Agad na isinugod sa ospital ang biktima ngunit idineklarang dead on arrival ng doktor. Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa insidente. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments