Security guard sa Makati na wanted sa kasong pang-aabuso, arestado

Huli ang isang security na nahaharap sa kasong pang-aabuso o ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act of 2004 sa ikinasang operasyon ng mga pulis sa 29th Avenue, East Rembo, Makati City.

Kinilala ang hinuli na si Adrian Balintad, 22-anyos, isang security guard at residente ng East Rembo, Makati City.

Siya ay inaresto ng mga pulis sa bisa ng warrant at subpoena na inisyu ni Bonifacio Pascua, Acting Presiding Judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 113 Pasay City.


Sa ngayon, nakakulong na ang suspek pero maaaring magpiyansa sa halagang P2000.

Facebook Comments