Security Guard sa San Mariano Isabela, Arestado Dahil sa Kasong Panggagahasa!

San Mariano, Isabela – Arestado ang isang security guard matapos isilbi ng kapulisan ang warrant of arrest nito sa kanyang kasong panggagahasa.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay SPO4 Xavier Perina, investigator ng San Mariano Police Station, kinilala ang akusado na si Ike Clinton Limbauan, bente tres anyos, binata at residente ng Barangay Macayu-cayu, San Mariano, Isabela.

Aniya, ang warrant of arrest ay ipinalabas ni hukom Andrew Barcena ng RTC Branch 17, City of Ilagan at walang nairekomendang piyansa sa kaso ni Limbauan.


Sinabi pa ni SPO4 Perina na dinala sa San Mariano Community Hospital ang akusado para sa isang eksaminasyon kung gumagamit ng droga o hindi ngunit naging negatibo naman ito at agad na dilala ng kapulisan sa Provincial Jail.

Kaugnay nito, taong 2012 umano naganap ang panghahalay ng akusado sa isang menor de edad at matagal na hindi naisilbi ang mandamiento de arresto dahil sa nagtrabaho umano si Limbauan sa Metro Manila at sapag-uwi niya sa lugar kahapon ay natiyempuhan ng mga otoridad.

Facebook Comments