Security Guard Sugatan Matapos Mabaril ng Suspek sa Kamay

117

*Cauayan City, Isabela*- Nakatakdang sampahan ng kasong Attempted Homicide with the use of Unlicensed Firearms ang isang laborer matapos nitng mabaril sa kaliwang palad ng kamay ang isang security guard sa Brgy. Cumabao, Tumauini, Isabela.


Nakilala ang biktima na si Johnny Jimenez, 27 anyos, binata, isang security guard habang ang suspek ay nakilalang si Francisco Bartolome, 30 anyos, isang laborer, walang asawa na kapwa mga residente sa nasabing lugar.

Ayon sa naging imbestigasyon ni PSSg. Joel Allapitan, Imbestigador ng PNP Tumauini, ihahatid na ng biktima ang kanyang kaibigan sa kanilang tahanan dahil lango umano sa nakalalasing na inumin subalit ilang minuto pa ay nasalubong nila ang suspek at akmang babarilin ang biktima na maswerte namang napigilan ang pagbaril hanggang sa nag-agawan ang mga ito ng baril na humantong para mabaril sa kamay ang biktima.

Lumabas pa sa imbestigasyon ng pulisya na isa sa motibo sa nangyaring insidente ay ang naging alitan ng dalawa sa matagal na panahon.

Agad namang tumugon sa lugar ang pulisya matapos makatanggap ng impormasyon kaugnay sa insidente at agad na inaresto ang suspek at nakumpiska dito ang isang kalibre 38 na baril at tatlong bala.

Patuloy naman na nagpapagaling ang biktima matapos malapatan ng lunas.

Sa ngayon ay nananatili sa kustodiya ng pulisya ang suspek habang hinihintay pa ang resulta kung legal ang paghawak ng suspek sa baril na kanyang ginamit.




Facebook Comments