Manila, Philippines – Sa harap ng pangungumbinsi ni pangulong Rodrigo Duterte sa mga dayuhan na mag lagak ng negosyo sa bansa ay mismong si Pangulong Duterte din ang nagpayo na iwasan ang Western Mindanao pati na ang mga isla sa Zamboanga.
Paliwanag ng Pangulo, sa kanyang pag-iimbita sa mga Indian investors ay wala namang nabanggit ang mga ito sa usapin ng seguridad sa bansa at gusto nga aniya ng mga ito na mag lagak ng negosyo sa Pilipinas.
Pero sinabi ng pangulo na kailangang iwasan ng mga negosyante ang Western Mindanao lalo na ang mga isla sa Zamboanga dahil sa security issues sa mga nasabing lugar.
Pero maaari naman aniyang maglagak ng negosyo sa Luzon at Visayas maging sa ilang lugar sa Mindanao tulad ng Davao City at Butuan City.
Sa ngayon ay umiiral parin ang batas militar sa buong Mindanao sa harap narin ng patuloy na Recruitment ng ISIS doon.