Security measures para sa Undas 2025, tinalakay na ng Caloocan LGU sa isinagawang pagpupulong

Inilatag na ng Caloocan LGU ang kanilang security measures sa nalalapit na paggunita ng Undas.

Kasunod ito ng pagpupulong na pinangunahan ni Caloocan Mayor Along Malapitan sa Peace and Order Council para talakayin ang mga hakbang sa pagpapanatili ng kaligtasan at kaayusan ng lungsod.

Ayon sa alkalde, dapat ay doble ang paghahanda at maging alerto ang lahat para sa ligtas at payapang Undas 2025.

Tinalakay sa pagpupulong ang planong pagde-deploy ng istasyon sa bawat pampublikong sementeryo na may nakatalagang ambulansiya, mga pulis, at mga kawani ng pamahalaan.

Sila rin ay magsasagawa ng inspeksiyon at tutugon sa anumang emergency o pangangailangan ng publiko.

Sa advisory ng Caloocan City Government, bubuksan ang mga pampublikong sementeryo sa lungsod mula October 30 hanggang November 2, 2024 para sa mga bibisita sa All Saints’ at All Souls’ Day.

Facebook Comments