Security measures sa Kamara, hinigpitan, matapos makatanggap ng banta ng pambobomba

Nagpatupad ngayon ng heightened alert sa Kamara sa buong Batasang Pambansa Complex matapos makatanggap ang ilang miyembro ng mga threat o banta ng pagpapasabog.

Sabi ni House Sec. Gen. Reginald Velasco dahil sa mga banta ay agad niyang inabisuhan ang House Sgt. at Arms para mag- higpit ng seguridad.

‘Sa ngayon ay maraming mga tauhan ang Philippine National Police (PNP) na naka-deploy sa loob ng Kamara lalo sa labas o bungad ng south at north gates nito.


Aktibo rin ang mga K9 unit sa paglilibot sa paligid ng Kamara at pati sa lahat ng lobby o daanan ng mga punapasok sa kamara ay may mga nakapwestong K9 unit.

Tulad pa rin ng dati lahat ng bag at mga gamit ng mga pumapasok sa kamara ay idinadaan sa Xray machines, ‘ pahayag ng opisyal.

Nagsimula ang paghihigpit noong Biyernes.

Facebook Comments