SECURITY | Mga hakbang ng Facebook para labanan ang fake news, welcome sa PCO; Pero pagkuha sa serbisyo ng Rappler bilang isa sa fact-checker, binanatan

Manila, Philippines – Suportado ng Office for Social Media ng Presidential Communications Operations Office o PCOO ang mga hakbang ng Facebook nalabanan ang pagkalat ng fake news sa bansa.

Sa isang pahayag ay sinabi ni PCO Undersecretary Loraine Badoy na tama na labanan ng Facebook ang pagkalat ng fake news na isa sa mga dahilan ng mga away sa online community.

Pero sinabi nito na ipinoprotesta nila ang hakbang ng Facebook na piliin ang Rappler bilang fact-checkers ng mga inilalagay ng netizens sa nasabing social media platform.


Isa aniya ito sa kanilang ilalapit sa Facebook sa oras na matuloy ang pulong ng PCOO at Facebook sa hinaharap na layong makabuo ng kasunduan para isulong ang responsible at matalinong paggamit ng social media.

Nakiusap din naman si Badoy sa mga stakeholders na makiisa sa diskusyon pra marinig ang kanilang panig sa pamamagitan ng magalang na diskusyon.

Facebook Comments