Nagpapasalamat si Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Silvestre Bello III sa Senado sa pag-apruba sa ikatlo’t huling pagbasa ang Security of Tenure Bill.
Ang panukala ay isa sa priority legislative measures ng DOLE na sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ani Bello – mapapalakas nito ang constitutional rights to job security ng mga manggagawa.
Sa ilalim nito, aamyendahan ang labor code na magbabawal sa labor-only contracting at iba pang probisyong pumapahintulot sa contracting arrangements.
Pero nilinaw ni DOLE Assistant Secretary Benjo Benavidez – hindi lahat ng uri ng kontraktwalisasyon o job contracting ay mapapahinto ng panukalang batas.
Aniya, kinikilala pa rin ang project employment, probationary employment at seasonal employment.
Magsasagawa ng konsultasyon ang DOLE sa iba’t-ibang sektor para malaman ang mga core at non-core jobs.