Muling inihain ni Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang Security of Tenure Bill matapos itong iveto ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ayon kay Villanueva, ang kanyang inihaing Senate Bill Number 806 ay ang eksaktong kopya ng orihinal na panukala na sinertipikahang urgent ng pangulo.
Ayon kay Villanueva, ito ay para mailatag ng ehekutibo kung aling probisyon sa panukala ang dahilan ng pagveto ng pangulo.
Target ng Security of Tenure Bill na tapusin ang ilang dekada ng problema ng mga mangaggawa sa endo o kontraktwalisasyon.
Aminado si Villanueva na masama ang loob niya sa mga nagpayo kay Pangulong Duterte na iveto ang panukala.
Diin ni Villanueva, mali ang impormasyon na nakarating sa pangulo na hindi papahintulutan ng panukala ang lahat ng uri ng job contracting.