Security of Tenure Bill, nananatiling priority measure ng Duterte Administration

Iginiit ng Malacañan na nananatiling prayoridad ng administrasyon ang Security of Tenure Bill.

Ayon kay Presidential Legislative Liaison Office (PLLO) Chief Adelino Sitoy, ang mga priority measures na hindi pumasa sa nakaraang Kongreso ay muling ihahain.

Umaasa si sitoy na mareresolba na ang mga isyung nakapaloob sa panukala.


Maliban sa SOT Bill, isinusulong din ang iba pang priority measures gaya ng Coco Levy Bill, panukalang National Land Use Act at Mandatory ROTC Bill.

Facebook Comments