Security of Tenure Bill, pasado sa final reading ng Senado

Lusot na sa ikatlo at huling pagbasa ng Senado ang Senate Bill 1826 o Security of Tenure Bill.

Layunin ng panukala na tuldukan ang kontratwalisasyon sa bansa.

Nauna nang sinertipikahang urgent ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nasabing panukala.


Ayon kay Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva – oras na maisabatas ang panukala, hindi na pwede na basta na lang sibakin ang isang manggagawa nang walang matibay na basehan at hindi dumaan sa tamang proseso.

Sa ilalim nito, ipinagbabawal ang labor-only contracting at may karampatang multa laban sa mga lalabag na employer.

Nililimitahan din nito ang job contracting sa licensed at specialized services.

Kina-classify naman ang mga manggagawa bilang regular at probationary habang itinuturing ang mga project at seasonal employees bilang regular na empleyado.

Nagkakaloob din ito ng “transition support program” para sa mga empleyado na wala pang trabaho o nasa proseso ng job transition.

Facebook Comments