Security plan ng PNP sa gaganaping 3-araw na rally, nakahanda na; rotation system, ipinatutupad

Nakahanda na ang security deployment plan ng Philippine National Police para sa gaganaping 3-araw na rally sa Maynila at Quezon City simula sa Linggo.

Ayon kay PNP Acting Police Lieutenant General Jose Melencio Nartatez Jr., binigyan na niya ng direktiba ang NCRPO na siguraduhin ang maximum tolerance at pagpapanatili ng mataas na antas ng disiplina at propesyonalismo sa mga idedeploy na PNP personnel.

Nasa mahigit 16,000 na personnel ang idedeploy sa nasabing mga rally, kung saan ang mga ito ay mula mismo sa NCRPO, at ang iba ay augmentation mula sa ibang regional offices.

Bukod dito, magtatalaga din ng mga personnel ang PNP sa mga lugar na pinangyarihan ng gulo noong nakaraang Setyembre 21 rally.

Kaugnay nito, binigyang diin ni Nartatez ang pagpapatupad ng rotation system sa kapulisan.

Layon ng nasabing sistema na mabigyan ng sapat na pahinga ang mga pulis na tuluy-tuloy na nakadeploy mula pa noong Setyembre dahil sa kaliwa’t kanang mga protesta.

Facebook Comments