Isinasapinal na ng Manila Police District (MPD) ang security plan para sa Pista ng Itim na Nazareno sa January 9.
Ayon kay MPD Director PBGen. Andre Dizon, lahat ng city limits ay magkakaroon ng check points dahil bawal dalhin ang mga life sizes na imahe ng Itim na Nazareno.
Aniya, maaari lamang dalhin ang mga maliliit na replica sa selebrasyon ng Poong Itim na Nazareno.
Sinabi naman ng Quiapo Church na mahalagang paigtingin ang pananampalataya habang papalapit ang pista kahit nawala ang tradisyunal na Traslacion.
Muli ring nagpapaalala ang MPD na huwag nang magdala pa ng electronic device na may matatalas na bagay.
Samantala, bukas, Dec. 31, ay magkakaroon ng motorcade procession, alas-12 ng hatinggabi at iikot ang replica ng Nazareno sa paligid ng Quiapo Church.