Security plans para sa Sinulog sa Cebu, plantsado na

Nasa 7,000 security forces ang itatalaga para sa darating na Fiesta Señor at iba pang mga aktibidad sa Sinulog na magsisimula na ngayong Huwebes, Enero 8, sa Cebu.

Isang send-off ceremony ang ginawa ng kapulisan, lokal na pamahalaan sa Lungsod ng Cebu, at mga representante mula sa Basilica Minore del Sto. Niño sa Cebu City Sports para sa deployment ng mga security personnel na magbabantay sa kaayusan at seguridad sa Sinulog festivities hanggang sa Sinulog Grand Parade.

Kabilang sa security forces ay mula sa Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Bureau of Fire Protection (BFP), Philippine Coast Guard (PCG), Cebu City Transportation Office, at ilang mga ahensiya ng gobyerno kagaya ng Department of Health (DOH).

Samantala, iimbitahan naman ng lokal na pamahalaan ng Cebu City si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dumalo sa Sinulog Grand Parade sa Enero 18.

Facebook Comments