Security protocol ng PSC, nakataas na kasunod ng banta ni VP Sara Duterte laban kina PBBM at FL Liza Araneta-Marcos

Itinaas na ng Presidential Security Command (PSC) ang security protocol nito kasunod ng banta ni Vice President Sara Duterte laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at First Lady Liza Araneta-Marcos.

Alinsunod din ito sa kautusan ni Executive Secretary Lucas Bersamin na gumawa ng aksyon laban sa death threat sa First Couple.

Ayon sa PSC, nakikipag-ugnayan na sila sa mga law enforcement agency para matukoy, maagapan, at depensahan ang anumang banta sa buhay ng Pangulo at First Family.


Anila, ang anumang banta sa buhay ng pangulo, anuman ang pinagmulan nito, ay seseryosohin ng pamahalaan lalo kung ipinahayag sa publiko.

Itinuturing din ito bilang isang usapin ng pambansang seguridad at gagawin ng PSC ng kinakailangang hakbang para matiyak ang kaligtasan ng Pangulo.

Facebook Comments