Security protocols ng mga hotel sa Metro Manila, pinasusuri ng NCRPO

Manila, Philippines – Ipinasusuri ng National Capital Region Police Office sa mga hotel ng Metro Manila ang kanilang mga security protocols upang hindi na mangyari pa ang katulad na insidente sa Resorts World Manila.

Ito ay matapos magkaroon ng lapse sa Resorts World Manila nang mapasok ito ng isang armadong lalaki dala ang mataas na kalibre ng baril.

Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde, makikita naman sa CCTV footage ng insidente na dinaanan lamang ng naturang gunman ang metal detector saka pumasok patungo ng casino.


Mababatid naman na agad rumesponde ang kapulisan nang makatanggap ng report hingil sa naturang insidente.
DZXL558

Facebook Comments