Manila, Philippines – Babawiin ang lisenya at pagmumultahin ang security agency na nakatalagang magbigay ng mahigpit na seguridad sa Resorts World.
Ito ay kung mapapatunayang may lapses sila sa inilalatag na security measures sa gusali matapos na malusutan ng isang gunman dahilan ng pagkamatay ng mahigit 30 katao.
Ayon kay PNP SOSIA o Supervisory Office for Security and Investigation Agencies director, Chief Supt. Jose Espino, tutukan ng kanilang imbestigasyon ngayon ang pag-alam kung may kapabayaan sa panig ng mga security guards ng NC Lanting Security Specialist Agency na nakaduty nang mangyari ang insidente.
At kapag napatunayang guilty ang mga ito, otomatikong mahaharap sila sa administrative sanction na rason para bawiin na ang kanilang lisensya para makapag operate at pagmumultahin ng 50,000 pesos pataas.
Una rito, pinagsusumite ng PNP SOSIA ang NC Lanting Security Specialist Agency na initial report sa nangyaring pag-atake sa loob ng 24 oras.
DZXL558