Security summit para sa CCSPC inihanda na nang Kampilan

Isang Security Summit ang nakatakdang gagawin ng 6th Infantry Kampilan division at Cotabato City State Polytechnic College na magaganap sa susunod na buwan..Sinabi ni 6th Civil Military Officer Col.Gerry Besana, na personal na pumunta sa Kampilan si CCSPC Pres. Dammang Bantala para plansahin ang gagawin Security Summit na magfo-focus muna sa mga teacher ng nasabing paaralan.
Ayon kay Col.Besana na mahalaga ang role ng mga teacher sa paghubog ng kaisipan ng mga estudyante upang makaiwas sa pagpasok sa mga Radicalism….Naniniwala siya na malaki ang magagawa ng mga guro para hindi mapariwara at maligaw ng landas ang mga estudyante.

Facebook Comments