Aktibo na ngayon ang Security Task Force on National and Local Elections (STF-NLE) ng Philippine National Police (PNP) para matiyak ang Secure, Accurate, Fair Elections (SAFE).
Ayon kay PNP Director for Operations at Deputy Commander ng STF-NLE PMgen. Valeriano de Leon, nitong April 2 ay binuo nila ang mga regional organization ng STF-NLE para sa gagawing pagbabantay sa halalan.
Sinabi ni De Leon na batay sa utos ni PNP Chief Gen. Dionardo Carlos, gagamitin ng task force ang lahat ng available resources ng PNP para siguruhin ang seguridad sa eleksyon.
Ayon pa kay De Leon, ang cyber activities na pwedeng manabotahe sa eleksyon ay kasama sa babantayan ng task force.
Kaya naman tutukan ng task force ang mga internet troll na naninira at nagpapakalat ng fake news na maaaring makasira sa maayos na pagsasagawa ng eleksyon sa susunod na buwan.