Security threat hindi namomonitor ng PNP ngayong summer vacation at paggunita ng Semana Santa

Walang namomonitor na banta sa seguridad  ang Philippine National Police  ngayong abala ang lahat sa mahabang bakasyon at paggunita ng Semana Santa.

 

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson , Police Col  Bernard Banac  kasunod na rin ng inaasahang pagdasa ng tao sa mga tourist destination lalo na mga beaches ngayong summer season at paggunita ng Semana Santa.

 

Pero hindi  naman sila magpapakakampante dahil Patuloy aniya na nakakalat ang kanilang pwersa upang tiyakin ang seguridad ng publiko ngayong Semana Santa.


 

Mahigpit aniya ang kautusan n i PNP Chief Police General Oscar Albayalde  sa lahat ng pulis na maging alerto.

 

Kahapon una nang inihayag ng PNP na nagdeploy na silang mga nasa mahigit 25 libong police personnel para italaga sa mahigit apat libong police assistance desk nationwide.

 

Kaugnay nito Nananatiling nasa heightened alert ang PNP na tatagal hanggang Hunyo a-12 ang pagtatapos ng  election period kaugnay sa gaganaping midterm election sa Mayo a -13.

Facebook Comments