SECURITY THREAT | State of emergency sa Maldives, pinalawig

World – Pinalawig pa ng hanggang 30 araw ang state of emergency sa Maldives.

Ito ay kasunod ng mga nangyayaring national security threat at constitutional crisis.

Sa ilalim nito, mawawalan ng kapangyarihan ang kanilang Korte Suprema matapos na payagang makalabas ang siyam na opposition leaders na nakakulong.


Nanawagan naman ang US, India at Canada na alisin na ang emergency dahil sa magdudulot ito negatibo sa Isla.

Facebook Comments