Manila, Philippines – Inamin ni Facebook CEO Mark Zuckerberg na mayroong counterterrorism team ang kanyang kumpanya.
Ito ay matapos siyang tanungin ni Indiana Rep. Susan Brooks kung paano mapipigilan ang pagre-recruit at komunikasyon ng mga teroristang grupo.
Sa ikalawang araw na pagharap ni Zuckerberg sa pagdinig ng US Congress, sinabi niya na binubuo ng 200 miyembro ang nasabing team.
Nakatutok rin aniya ito sa pag-review ng mga flagged information.
Ayon pa kay Zuckerberg – tutukuyin ng team ang pattern ng komunikasyon ng grupo kung saan ang kanilang proactive system ay ifa-flag ang messaging para matanggap ang mga accounts.
Facebook Comments