Secutity guard patay sa road accident sa Makilala North Cotabato

Patay ang isang security guard ng itoy masangkot sa aksidente sa national highway ng Brgy. Malasila, sa bayan ng Makilala, sa lalawigan ng North Cotabato kagabi. Kinilala ang biktima na si Inocencio Panonce Juario 55 anyos residente ng Brgy. New Israel Makilala..
Ayon kay PCI Johnny Rick Felongco Medel, hepe ng Makilala PNP nangyari ang insidente dakong alas-11:45 kagabi. Binabaybay ng biktima ang kahabaan ng national highway sakay ng kanyang kulay pulang RUSI na motorsiklo, walang plaka ng ito ay masangkot sa aksidente Nabangga umano ni Juario ang nakaparadang Prime Mover Truck na may license plate LWW106.
Ayon sa Makilala PNP, nasiraan ang nasabing truck kaya nakaparada ito sa lugar.
Sa lakas ng impact ng pagkakabangga ay agad nasawi ang biktima.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments