Secutity guard, patay sa vehicular accident sa Maguindanao!

Patay on the spot ang isang security guard sa salpukan ng single motorcycle at multicab sa national highway sa hangganan ng Barangay Layog at Barangay Galakit sa bayan ng Pagalungan, Maguindanao.
Kinilala ang nasawi na si Badrudin Solaiman, 21 anyos, residente ng brgy. Talitay, Pikit, North Cotabato at nagtatrabaho bilang security guard sa Davao City.
Una rito ay minamaneho ng biktima ang kanyang Kawasaki Bajaj, nag-overtake ito sa sinusundang multicab na may lulan na mga sawali nang bigla na lamang itong nawalan ng kontrol sa kanyang motorsiklo at gumewang hanggang sa sumemplang at dire-diretso sa ilalim ng multi-cab, patay on-the-spot si Solaiman.
Ayon sa pagsisiyasat ng Pagalungan PNP Traffic Management Unit, kapwa galing sa bayan ng Kabacan ang biktima at ang multicab nang maganap ang aksidente.

Facebook Comments