Secutty guard patay sa pamamaril ss North Cotabato

36

Agad binawian ng buhay ang isang security guard ng DOLE Stanfilco ng itoy pagbabarilin sa bayan ng Makilala sa lalawigan ng North Cotabato kagabi.
Kinilala ang biktima na si Rey Frugalidad Lacro, 50-anyos, may asawa at detachment commander ng RG security (Dole Stanfilco) at residente ng Poblacion, Magpet sa North Cotabato.
Batay sa pahayag ni PCI Johnny Rick Felongco Medel, hepe ng Makilala Pnp, sakay ang biktima ng kanyang kulay pulang Suzuki YTX 125 na motorsiklo patungo sa bayan ng Magpet ng pagbabarilin ng riding in tandem criminal sa bahagi ng Barangay Saguing dakong alas 6:30 kagabi.
Apat na tama ng bala ang tinamo ng biktima sa likod na naging sanhi ng kanyang agarang kamatayan.
Inaalam pa ng Makilala Pnp ang motibo sa pamamaril.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments