Sedition case laban sa mga sinasabing nasa likod ng “Bikoy video”, ipinababasura ng Lawyers Group sa DOJ

Ipinababasura ng Free Legal Assistance Group (FLAG) sa Department of Justice (DOJ) ang kasong sedition na isinampa ng PNP laban kay Vice President Leni Robredo at 44 na iba pang umano’y nasa likod ng Bikoy video.

Ayon sa Lawyers Group, walang basehan ang kaso na base sa witness na wala namang kredibilidad.

Layon lang anila ng kaso na i-harass, patahimikin at takutin ang mga kritiko ng gobyerno.


Ipinaalala din ng FLAG sa gobyerno ang obligasyon nito na tiyaking nagagawa ng mga abogado ang trabaho nila nang walang intimidasyon, balakid, pangha-harass at maling panghihimasok.

Facebook Comments