
Walang magiging epekto sa impeachment case ni Vice President Sara Duterte ang kinakaharap nitong sedition case.
Ito ang nilinaw ni Department of Justice (DOJ) Spokesperson Atty. Mico Clavano, sa kabila ng pagiging isa sa mga grounds sa impeachment complaint ang umano’y pagbabanta sa buhay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Marcos, at dating Speaker Martin Romualdez.
Ayon sa DOJ, magkaiba ang impeachment proceedings at criminal proceedings kaya hindi direktang nakaaapekto ang isa sa isa.
Una nang sinampahan ng National Bureau of Investigation (NBI) si VP Duterte ng mga kasong inciting to sedition at grave threats sa DOJ.
Sa ngayon, sumasailalim pa sa review ang resolusyon sa nasabing mga reklamo, bagama’t may inihanda nang draft ang ahensya.










