Seed Industry Development Act, pinaaamyendahan sa Kamara

Manila, Philippines – Pinaamyendahan ni House Committee on Economic Affairs Chair Sharon Garin ang dalawang dekada nang Seed Industry Development Act o ang Republic Act No. 7308.

Base sa House Bill 3591 na inihain ni Garin nais nito na masawata ang proliferation ng mga unlawful seed lots.

Layunin ng panukala na maprotektahan ang mga magsasaka at ang Philippine seed industry sa sinasabi ng mga private seeds distributors na kumakalat ang mga pekeng seeds o binhi.


Dahil anya sa vulnerable ang bansa sa climate change kailangan ng mga drought-tolerant at climate-smart varieties para sa mga magsasaka.

Ang unlawful seed lots ay iyong mga infested ng mga peste o kaya ay infected ng mga sakit na ibinebenta na mayroong mga pinekeng dokumento.

Nakasaad sa panukala ni Garin na mula sa P10,000 gagawing P50,000 ang multa nang sinuman na mapapatunayan na lumabag sa batas ng pagbebenta ng mga unlawful seeds.

Facebook Comments