Nakatanggap ng 100 sako ng seeds at fertilizers ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa mula sa opisina ni Senator Cynthia Villar.
Ayon kay Muntinlupa Mayor Jaime Fresnedi, ang nasabing donasyon ay makakatulong upang mapalakas ang ginawa ng lungsod para sa urban agriculture at farming.
Nabatid na ang local government ng Muntinlupa ay naglunsad ng “Gulayan sa Lungsod ng Muntinlupa” program.
Katuwang nito ang Department of Science and Technology (DOST) at University of the Philippines Institute of Plant Breeding (UP-IPB) para magsagawa ng pagsasanay sa mga komunidad kaugnay sa makabagong farming technologies at promotion ng urban agriculture.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Mayor Fresnedi kay Senator Villar sa ibinigay nitong mga buto para sa pananim at fertilizers dahil malaki aniya itong tulong sa isinusulong ng lungsod na urban gardening sa ilalim ng kanilang Agri Program.