Segment 10 ng NLEX Harbor Link, bubuksan na bukas

Bubuksan na rin sa mga motorista simula bukas, February 28 ang NLEX Harbor Link Segment 10 na kumokonekta sa Manila at Quezon City.

Ito ay isa sa mga proyekto sa ilalim ng Build Build Build Program ng Duterte administration.

Ayon kay Build Build Build Committee Chairperson Anna Mae Lamentillo – nakatakda sana itong buksan kahapon, February 26 pero inurong ito bukas dahil nagsasagawa pa sila ng safety checks at pre-opening construction.


Ang NLEX Harbor Link Segment 10 ay 5.65 kilometer elevated expressway na magsisimula sa NLEX mula Mcarthur highway Karuhatan, Valenzuela City, dadaan sa Malabon City at C3 Road sa Caloocan City.

Mayroon din itong 2.6 kilometer section sa pagitan ng C3 Road, Caloocan City at R10, Navotas City.

Inaasahang mapapaikli nito ang travel time mula Manila patungong Quezon City at vice versa.

Ang mga motoristang nais dumaan ay kailangang magbayad ng toll na ₱45.

Facebook Comments