SEGREGATE WASTE AND WIN A PRIZE, PAKULO SA BACNOTAN, LA UNION KASABAY NG ZERO WASTE MONTH

Mag-sesegrate lang ng basura, may premyo na! Pwede ring manalo ng e-bike mula sa basura na ipinalit bilang raffle ticket! ‘Yan ang naging pakulo sa ikalawang taon ng ZumBasura sa Bacnotan, La Union.

Mahigit 300 indibidwal mula sa iba’t ibang sektor ang nakiisa sa aktibidad na naglalayong isulong ang pangangalaga sa kalikasan alinsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act.

Matapos ang zumba, sabay-sabay namulot ng basura ang mga kalahok na nakakolekta ng mahigit 6,000 piraso ng plastik, kabilang ang higit 4,000 rigid plastics at mahigit 2,000 flexible plastics, na ipinalit sa raffle tickets.

Layunin ng programa na pagsamahin ang ehersisyo at adbokasiya sa wastong pamamahala ng basura at mahikayat ang publiko sa responsableng pagtatapon at segregation ng solid waste.

Sa tulong ng mga premyo at palaro, tumataas ang motibasyon ng mga residente na pangalagaan ang kalikasan. Hindi man pera, tunay ngang may premyo sa basura.

Facebook Comments