Segregation ng mga “hazardous waste,” ipinaalala ng DENR sa publiko

Nagpaalala ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa publiko na ugaliing maging responsable sa itinatapong basura lalo na kung mapanganib ito sa kalusugan ng garbage collectors.

Ayon kay Environment Undersecretary Benny Antiporda, mahalagang itapon nang tama ang mga masks at protective gears.

Importante aniyang paghiwa-hiwalayin ang mga recyclable, biodegradable o nabubulok at residual waste, at ang tinatawag na ‘suspected hazardous waste.’


Ang mga medical waste mula ospital at iba pang treatment facilities ay maingat na inililipat sa sanitary landfills para matiyak na hindi ito tatagas sa ibang kalapit na lugar.

Nakipag-ugnayan na ang DENR sa Department of Interior and Local Government (DILG) para magbigay ng instructions sa mga Local Government Units (LGU).

Facebook Comments