SEGURIDAD | 6,000 pulis, ipakakalat sa araw ng SONA

Manila, Philippines – Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng 6,000 pulis sa paligid ng Batasang Pambansa, Quezon City bago ang nakatakdang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte bukas.

Ayon kay PNP Chief, Director General Oscar Albayalde – isinasapinal na lamang ang security measures sa lugar kung saan gaganapin ang mga kilos protesta.

Inaalam pa ng PNP ang tinatayang bilang ng raliyista na sasali sa protesta ngayong taon.


Pero noong 2017 SONA ay aabot sa 7,000 hanggang 10,000 ang nagprotesta.
Pinaiiral sa kapulisan ang maximum tolerance para maiwasan ang anumang insidente o gulo.

Facebook Comments