Tinitiyak ng Mangatarem Police Station ang seguridad at kaligtasan ng mga vendors sa kanilang pamilihang bayan matapos ang insidente ng pagnanakaw sa isang tindahan ng itlog, kung saan agad na nahuli ang mga suspek.
Ayon kay Mangatarem PS Chief PMAJ Arturo Melchor, mahalaga ang mataas na police visibility sa mga lugar na matatao upang agad na marespondehan ang mga nangangailangan ng tulong.
Isa rin sa kanilang iminumungkahi ay ang paglalagay ng CCTV sa mga pwesto ng vendors upang masiguro ang seguridad at makatulong sa pagresolba ng mga insidente tulad ng pagnanakaw.
Dagdag ng tanggapan, palaging nakahanda ang hanay ng pulisya sa lahat ng mga idudulog ng nasasakupan habang naghahanda rin sila para sa posibleng pagdami ng mga mamimili at bibisita ngayong holiday season.






