Manila, Philippines – Tiniyak ng Malacañang ang seguridad ni dating PangulongNoynoy Aquino matapos ipag-utos ng National Democratic Front (NDF) sa SouthernMindanao ang paghuli rito dahil sa crimes against humanity at iba pang paglabagsa international human rights law kaugnay ng “kidapawan massacre.”
Ayon kay PresidentialSpokesperson Ernesto Abella, mayroon lamang iisang gobyerno at justice systemsa bansa at ang kinauukulang tanggapan lamang ng pamahalaan ang makapagdedesisyon hinggil sa nangyaring dispersal sa mga magsasaka sa Kidapawan, noongApril 2016 kung saan dalawa ang namatay.
Maliban kay Aquino,tiniyak din ng Malacañang ang proteksyon sa iba pang mga personalidad na kasamasa pinaaaresto ng NDF.
Maliban kay Aquino,kabilang sa pinaaaresto ng NDF ay sina North Cotabato Governor Emmylou Mendoza,Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato representative NancyCatamco at iba pang military at police officials.