SEGURIDAD AT KALIGTASAN SA ARAW NG KAPASKUHAN SA REGION 1, LALO PANG PINAIGTING NG PNP PRO1

Lalo pang pinaigting ng hanay ng kapulisan o PNP PRO 1 ang kanilang pagbabantay sa seguridad at kaligtasan sa magaganap na selebrasyon ng kapaskuhan ngayong taon.
Kabi-kabilaang monitoring at mga aktibidad ang isinasagawa ng kapulisan katuwang ang iba pang ahensya at lgu para masiguro ang kapayapaan at kaligtasan sa buong rehiyon lalo na sa mismong araw ng pasko.
Nito lamang ay nagsagawa ang hanay ng kapulisan ng isang visitation at inspection sa mga transportation hubs at bus terminals sa iba’t ibang bahagi ng region 1 bilang bahagi ng security measures sa Christmas at New Year’s Day Celebration.

Ayon pa kay PBGEN Lou Frias Evangelista, hinihikayat nito ang buong hanay ng kapulisan na palakasin pa ang traffic management lalo na sa mga bahagi kung saan maaaring magkaroon ng traffic congestion.
Samantala, pinahapyawan na rin nito ang patuloy na pagsulong na umiwas na sa paggamit paputok sa bagong taon. | ifmnews
Facebook Comments