SEGURIDAD AT PAGLALAGAY NG KARAGDAGANG CCTV SA 14 GOVERNMENT RUN HOSPITALS SA PANGASINAN, TINIYAK

Nangako ang Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan na mas paiigtinging pa ngayon ang seguridad sa labing-apat na mga government-run hospital sa lalawigan.
Ito ang inihayag ni Governor Ramon Guico III sa naganap na press conference kasunod ng pagkakatagpo ng naunang naiulat na ninakaw na sanggol sa Lingayen District Hospital.
Binigyang-diin ng gobernador ang pagdaragdag ng mga CCTV cameras at paiigtingin umano ang monitoring upang mapanatili at mas matiyak ang kaligtasan ng mga pasyenteng nasa mga hospital.
Samantala, patuloy pa rin ang imbestigasyon ng awtoridad sa kasong kinasangkutan ng kumuha ng sanggol na umano’y napag-utusan lamang, habang malaking pasasalamat naman ang inihayag ng pamilya nang tuluyang nakapiling na muli ang kanilang anak. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣
Facebook Comments