Seguridad at suporta ng mga sundalo sa Mindanao, pinagtibay ni PBBM

Pinagtibay ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang seguridad at suporta para sa mga sundalo sa Mindanao sa kaniyang pagbisita sa Eastern Mindanao Command (EASTMINCOM) sa Camp Panacan, Davao City.

Sa briefing, iniulat ng mga opisyal na mas bumuti na ang peace and order dahil sa tuloy-tuloy na operasyon laban sa natitirang banta tulad ng insurgency at terorismo.

Pinuri naman ng Pangulo ang mas ligtas na kalagayan sa Mindanao at ang mabilis na pagtugon ng tropa sa mga operasyon at sakuna.

Nangako rin ang Pangulo ng kumpletong kagamitan at training para sa mas matibay na depensa ng bansa, bukod pa sa pagtaas ng base pay at subsistence allowannce ng mga sundalo simula 2026.

Tinapos naman ng Pangulo ang pagbisita sa isang boodle fight kasama ang mga tropa bilang pasasalamat sa kanilang serbisyo sa kapayapaan at seguridad ng Mindanao.

Facebook Comments