SEGURIDAD | Avilon Zoo – naghigpit na matapos manakawan ng mga endangered animals

Rizal – Matapos ang nangyaring nakawan, naghigpit na sa kanilang seguridad ang Avilon Zoo sa Rodriguez, Rizal.

Bukod sa security guard, nagdagdag na rin sila ng mga CCTV camera.

Nabatid na kabilang sa mga ninakaw na endangered animals ay bahagi ng wild care conservation breeding program ng Avilon Zoo.


Nagbabala naman ang mga otoridad na mahaharap sa kaso ang sinumang mapapatunayang nasa likod ng pagnanakaw.

Dalawang taong pagkakakulong at multang P200,000 ang kakaharapin ng suspek.

Facebook Comments