SEGURIDAD | DepEd, nakipag-ugnayan sa PNP para sa darating na Brgy. At SK elections

Manila, Philippines – Ilang araw bago ang May-14 Barangay at Sangguniang Kabataan elections, nakipag-uganayan na ang Department of Education sa Philippine National Police para sa seguridad ng mga guro na magbabantay at mangangasiwa ng paparating na halalan

Ayon kay Education Undersecretary Tonisito Umali, ito ay kasunod na rin ng mga nakalipas na sitwasyon kapag eleksyon na nadadamay sa mga nagbabanggaang pulitiko ang mga guro.

Sinabi pa ni Umali na patututukan nila ang mga polling precinct na kabilang sa election hotspots lalo na at maraming guro ang natatakot na magsilbi tuwing halalan dahil sa lumalalang election violence sa ating bansa.


Sa interview ng RMN Manila, inihayag ni PNP Spokesman Chief Supt. John Bulalacao na aabot na sa labing lima ang naitalang insidente ng election violence.
Pinag-aaralan na rin aniya na irekomenda ang Region 5 sa COMELEC control.

Facebook Comments