SEGURIDAD HIHIGPITAN │MPD, babantayan ang Mendiola kasunod ng banta ng grupong PISTON na lulusob

Manila, Philippines – Mahigpit na babantayan ng MPD ang Mendiola kasunod ng plano ng Transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operetor Nationwide o PISTOn na lulusob ang kanilang grupo matapos maudlot ang isasagawa sanang tigil pasada ngayon at bukas laban sa Public Utility Jeepney o PUJ modernization.

Ayon kay MPD Spokesman Supt. Erwin Margarejo magtatalaga sila ng mga pulis sa Mendiola upang tiyaking walang mangyayaring kaguluhan doon ito matapos maunsami ang malawakang tigil pasada ngayon at bukas kasunod ng apela ni Sen. Grace Poe na pag-usapan ang isyu sa pamamagitan ng isang Pampublikong pagdinig.

Una rito hinihiling ni Piston National President George San Mateo na makaharap sa pagdinig sa Senado si Transportation Secretary Arthur Tugade na umanoy utak ng Modernization Project sa PUJ na para sa kanila ay kontra sa mahihirap na tsuper.


Giit pa ni San Mateo na patuloy silang magmamatyag sa isyu pagpasok ng buwan ng Enero kung kailan sisimulan umano ang proyekto kaya’t tatapatan nila ito ng mas malaking transport strike kasama ang iba pang progresibong grupo.

Dagdag pa ni San Mateo bilang patikim sa bantang tigil pasada magsasagawa sila mamaya ng Transport Caravan na mag-uumpisa sa Mabuhay Rotonda sa QC at saka tutulak papunta dito sa Mendiola, Manila upang iparating ang kanilang kahilingan na susundan ng Vigil sa Miyerkules.

Facebook Comments