Manila, Philippines – Ikakalat ng National Capital Region Police Office ang nasa pitong libong mga pulis para magbigay ng mahigpit na seguridad kaugnay sa gaganaping State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 23, 2018.
Ayon kay NCRPO Chief Guillermo Eleazar idi deploy ang mga pulis na ito sa bisinidad ng Batasang Pambansa at Commonwealth Avenue.
Ito ay dahil sa inaasahang dami ng mga magsasagawa ng rally mapa pro o anti government man ito.
Samantala sa panig naman ng Armed Forces of the Philippines 600 mga sundalo mula sa AFP Joint Task force NCR ang naka-standby ngayon sa Camp Aguinaldo.
Sinabi ni AFP Public Affairs Office Col Noel Detoyato na nakadepende sa pangangailan ng PNP ang pagdeploy sa mga sundalo para sa SONA.
Ang hakbang na ito ng PNP at AFP ay upang matiyak na magiging payapa ang ikatlong SONA ni Pangulong Duterte