Cagayan De Oro, Philippines – Nakatakdang ilunsad sa bansa ang ASEAN Summit Leaders Meeting sa darating na buwan ng Hulyo nitong taon.
Dahil ditto, mas pinaigting ngayon ang seguridad lalo na’t isa ang Cagayan De Oro sa magiging venue sa ASEAN Summit Meeting.
Ayon kay Cagayan De Oro City Police Office Spokesperson Chief Insp. Mardy Hortillosa, tinutukan ngayon nga kapulisan ang posibleng pagpasok ng mga terorista upang gumawa ng kaguluhan gaya ng nangyari sa Bohol kung saan nakapasok ang bandidong Abu Sayyaf.
Aabot aniya sa isang-daan at limampung delegado ang nakatakdang dadalo sa ASEAN Summit Meeting sa lungsod nitong taon.
DZXL558
Facebook Comments