Manila, Philippines – Kasado ang ilalatag na seguridad ng Philippine National Police (PNP) para sa selebrasyon ng ika-119 na anibersaryo ng araw ng Kalayaan.
Kaugnay nito, nasa higit isang-libong pulis ng manila police district ang ipakakalat sa Rizal Park kung saan gaganapin ang karamihan ng mga aktibidad.
Pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang flag raising at wreath-laying ceremony sa Rizal National Monument; si Senator Panfilo Lacson naman sa Kawit, Cavite; si Senator Loren Legarda sa Malolos City; si Senator Sonny Angara sa San Juan City; si PVAO Administrator Ret. Lt. Gen, Ernesto Carolina sa Manila North Cemetery; si Justice Mariano Del Castillo sa Bonifacio Monument sa Caloocan at si Department of Education Sec. Leonor Briones sa Angeles City, Pampanga.
May temang “kalayaan 2017: Pagbabagong Sama-Samang Balikatin” ang selebrasyon para sa taong ito.
Samantala, magkakaron din ng medical, dental at optical service ang DOH, MMDA at Manila City Government habang maglulunsad ng nationwide job fair ang Department of Labor and Employment.
Tiniyak naman ng otoridad na wala silang natatanggap na anumang banta sa seguridad sa pagdiriwang ng araw ng kalayaan.
DZXL558