Seguridad ng bansa, dapat na pagtuunan ng pansin

Pinayuhan ng ilang kongresista ang pamahalaan na pagtuunan ng pansin ang seguridad ng bansa.

Kasunod na rin ito ng Russia-Ukraine conflict na pinangangambahang mauwi sa mas malawak na digmaan na makakaapekto sa buong mundo.

Ayon kay ACT-CIS Party list Rep. Jocelyn Tulfo, dahil sa nangyayaring development sa Europa, dapat na pag-isipan ng pamahalaan ang regional security arrangements gayundin ang bilateral at multilateral relationships sa mga kaalyadong bansa.


Kailangan ding bantayan ang seguridad ng kalapit na bansa na Taiwan na siya namang may isyu sa China na kakampi naman ng Russia.

Inirekomenda rin ng kongresista na maging masikap at matyaga ang bansa sa patuloy na evaluation sa PH-US Mutual Defense Treaty, Visiting Forces Agreement, at ASEAN security relationships.

Facebook Comments