MANILA – Tiniyak ngayon ni office of the Senate Sergeant at Arms o OSSA Chief Ret. Gen. Jose Balajadia na sakaling mang magkaroon ng brownout pagkatapos ng eleksyon ay walang dapat ipangamba sa seguridad ng certificate of canvass o COCs at election returns o ERs na iimbak sa Senado.Sabi ni balajadia ang kung mawaka ang kuryente ay tatagal ng sampung minutong buhay ang mga CCTV cameras, habang sa loob naman ng tatlong segundo ay agad na gagana ang generator set dito sa senado kaya hindi mangyayari na mamatay ang mga CCTV cameras na nakatutok sa paglalagyan ng COCs at ERs.Ang COCs at ERs para sa boto sa pagkapangulo at ikalawang pangulo ay pansamantalang iimbak dito sa Senado bago dalahin sa kamara kung saan gagawin ang National Canvassing.Pagtiyak ni Baljadya, maliban sa mga sundalo at pulis na magbabantay sa paligid ng senado ay magiging alerto din ang kanilang hanay sa loob ng gusali ng sendO para bantyng mabuti ang COCs at ERs.Kanina ay inilibot na ni balajadia ang media, at ipinakita ang 32 CCTV cameras na naipwesto na at ang lugar mismo na paglalagyan ng COCs at ERs sa basement at 2nd floor ng senado na binabakuran na matitibay na wire.
Seguridad Ng Cocs At Ers Na Iimbak Sa Senado, Hindi Maaapektuhan Ng Blackout
Facebook Comments