Seguridad Ng High Profile Inmate Na Si Jaybee Sebastian Sa Nbi Detention Facility – Tiniyak Ng Dept. Of Justice

14

MANILA – Nasa kostodiya na ng National Bureau of Investigation ang high profile inmate na si Jaybee Sebastian.Kasabay nito, tiniyak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre mahigpit ang pagbabantay sa seguridad sa NBI detention facility kay Sebastian.Hindi naman tinukoy ni Aguirre kung ano ang dahilan ng pagdadala sa kontrobersyal na high profile inmate sa NBI.Magugunitang si Sebastian ay isa sa mga bilibid high profile inmates na tumestigo laban kay Senator Leila De Lima sa isinagawang pagdinig sa kamara hinggil sa paglaganap ng illegal drug trade sa bilangguan.Isa din si Sebastian sa mga nasugatang preso nang magkaroon ng kaguluhan sa building 14 ng maximum security compound.

Facebook Comments